Thursday, June 16, 2011

Florante at Laura

Florante at Laura
Muling isinalaysay ni 
Pablo D. Baltazar

            Si Laura ay kasintahan ni Florante. Tinangay ito ng tatlong lalaki. Sinabi ng mga nakakita na sa bundok ito dadalhin. Agad na sumakay sa kayang kabayo si Florante. Sa paanan ng bundok ay may nakita siyang matandang ita. Nadaganan ito ng malaking puno.Kahit nagmamadali ay huminto si Florante. Tutulungan niya ang lalaki. "Maraming salamat, binata. Alam kong may hinahabol ka pero inuna mo pa akong tinulungan." "Walang anuman po ,tatang. Nagmamadaling umalis si Florante para iligtas si Laura. Kumaway sa kanya ang matanda. "Samahan ka ng Diyos sa iyong misyon, binata." Nakarating sa bundok si Florante. Doon ay inaabangan na siya ng mga lalaking tumangay kay Laura. Sandatahan ang mga ito. "Ngayon ay makakaganti na ako. Binigo ni Laura ang pag-ibig ko dahil sa iyo. Ngayon ay pareho kayong mamamatay," sabi ng pinuno.  Matapos igapos ang dalawa ay sumakay na sa kanilang mga kabayo ang tatlong lalaki. "diyan na kayo. Bahala na sa inyo ang mabangis na leon. Pagkaalis ng tatlong lalaki ay dumating ang mabangis na leon. "Florante, ano ang gagawin natin?. tanong ni Laura. "Nag-iisip ako, Laura," sagot ni Florante. Tinitigan sila ng Leon. Umungol ito nang malakas at saka tumalon para sila sakmalin. Napasigaw si Laura sa takot. "Growwll!".Napatili si Laura nang bigla silang lundagin ng Leon. Ngunit bago sila masakmal ng Leon ay humaginit ang isang palaso. Naghihingalong lumagpak sa lupa ang Leon. Lumabas sa pinagtataguan ang pumana dito. "Tatang" bulalas ni Florante. "Akp nga. Mabuti na lang at nasundan kita." Kinalagansila ng matandang ita. "Marami pong salamat, tatang, "sabi ni Florante. "Walang anuman, binata. Ibinabalik ko lamang ang iyong kagandahang look." 



      

No comments: