Isang araw, ang Aso, ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng maka pag aalis ng kanyang bikig, Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang liig upang alisin ang bikig.
Pagkabunot ng bikig, Ang Pusa ay nagsalita
"Akin na ang aking gantimpala."
Umungol ang Aso. Inilabas ang matatalim na Pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo parin nang hindi ka napahamak. "Wika ng Aso na waring nanunumbat.
Gintong Aral:
"Habang iyang tao'y nasa kagipitan, ang sumpa't pangako'y walang katapusan. "Ngunit pagkatapos matulungan ay parang bula na nawawala.
Pag ang tao ay nangako, dapat ay tuparin niya ito ng sa ganon ay igalang siya ng kapwa niya tao. Ang totoong tao ay nagpapakatao.
No comments:
Post a Comment